Tuesday

FRUSTRATED

Hanggang kelan ako magiging ganito? Everytime I see people that are close or those who are involve to you, apektado pa rin ako. Ayoko na nang ganito. Palaging ako lang naman ang talo; mas mahirap kasi sarili ko ang kalaban ko. Ang hirap pala talaga pag may mga unresolved issues and hang-ups. Nakakafrustrate lang kasi gusto kong matapos na ang lahat in a nice way pero mukhang di pa 'to ang right time. Sana naman in time, marealize mo rin na I have to have peace at ikaw lang ang makakagawa 'nun. ANG HIRAP HIRAP HIRAP sa part ko kung alam mo lang kaya please, be a man enough and do what is right. Kahit ngayon lang, magpaka-lalaki ka at harapin mo ang mga issues mo. Wag mo na naman ulit tatakbuhan kasi you are going nowhere. I just hope this reaches you in any form. It's just so frustrating.

Saturday

Feelings I can't EXPRESS!!!

It's been what? three months?! Ganun na din katagal na kinokondisyon ko ang sarili ko. Kapag maraming tao, I'm so strong pero pag mga ganitong pagkakataon, nakikita ko sa sarili ko na ang hina-hina ko pa din pagdating sayo. Moving on phase ako ngayon at hindi ko idedeny na mahal pa rin kita. Ayokong magpaka-hypocrite at sabihin sa lahat na wala na akong nararamdaman kasi kahit naman siguro sino hindi maniniwala. Sa mga ganitong pagkakataon na naaalala kita at kung anong meron tayo dati, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi malungkot at hindi maiyak kaso hindi pwedeng ipakita sa kanila. Kasi nga daw "your not worth it". Kahit dati pa naman diba, sinasabi na nila yun pero kahit ganun I stayed by your side. Gusto ko, na maging okay na ako ngayon pero hindi ko mapigilan na hindi ka isipin. 'Di ko din alam kug bakit. Pero one thing is for sure, NASASAKTAN PA RIN AKO. NAMI-MISS PA RIN KITA. MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA. Akala ko talaga hindi na ako masasaktan kasi nagawa na nating mag-usap nung nagkita tayo sa jollibee pero ang hindi mo alam, grabe ang panginginig ng buo kong katawan. That time, alam ko sa sarili ko na napatawad na kita kasi wala na akong naramdaman na galit sayo pero hindi ibig sabihon 'nun eh hindi na kita mahal. Alam mo ba na 'nung araw na yun, it is supposed to be our 1st anniversary. Naalala mo dati, ilang beses din natin yun pinag-usapan at pinagplanuhan kung ano ang gagawin natin sa araw na yun. 'Di ko alam kung naalala mo pa ang date na yun pero one year ago, yun yung pinakamasayang araw mo; nang maging tayo. Pag nakikita ko ang mga pictures natin o kaya naman nababasa ko ang mga chat natin, palaging sumasakit ang puso ko. May kirot pa din at malalim pa rin ang sugat. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito pero ang gusto ko lang mangyari, sana I will always be your mae.mae. Sana we will remain good friends at sana hindi magbago ang pag-care mo. Alam ko at naramdaman ko nung nagkita tayo na masaya ka rin nang sandali na yun. (di ako nagfifeeling-feelingan) Di mo yun maitatanggi kasi kitang-kita at halata sayo, lalo pa at kilang-kilala na kita. Sana maayos mo na ang buhay mo at huwag mong sasayangin ang mga opurtunidad na binibigay sayo kasi magiging masaya pa rin ako sayo kung maaayos mo ang buhay mo at magiging masaya pa rin ako para sayo kung ano man ang pipiliin mo. Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat 'to o kung ano man ang point ko. Basta ang alam ko, kailangan ko 'tong ilabas kahit man lang dito kasi ang sakit ng puso ko at baka kasi pumutok ako. Nakaka-suffocate itago mismo sa sarili ang nararamdaman, baka magkasakit pa ako sa puso. Anyway, hoping for the best for the both of us pa rin ako. Ang hirap pa lang kalimutan ang isang taong naging malaking parte na ng buhay mo at plinano mo nang makasama na kung pwede eh habang buhay.

IMISSYOU. Di naman siguro masamang sabihin 'yun, kahit ngayon lang.