Thursday

BLEMISH?????

Ang bongga ng title. pero actually ni-right-click ko lang yan sa microsoft word at yan ang lumabas..ahahah :)

Anyway, ang concern ko lang naman ngayon eh ang lumalala kong PIMPLES.. Eww!! Sa pagkakaalam ko at proven and tested dahil na-experience ko talaga, ang dahilan ng pagkakaroon ko na naman ngayon ng maraming spots eh dahil sa palagi nalang akong late natutulog (as in 2:00am or even late). palagi nalang akong late natutulog hindi man nga ako nag-aaral o gumagawa ng academic related na mga bagay. simpleng panunuod lang ng movie at internet surfing ang ginagawa ko palagi kaya ako naaabutan ng madaling araw. Gusto ko syang baguhin actually, kaso ang problema, pag mga ganitong panahon tulad ngayon, (ano na ba ang oras??umm 1:40 na pala) nag-eenjoy ako magpara surf at magpara tingin sa laptop kahit pabalikbalik lang naman ang tinitingnan ko tulad ng mga sayaw at mga movies na may mga kantahan..Naiinis na nga si ate sa akin eh. Wala daw akong kasawaan magpara-tingin ng mga sayaw?? ehhh sa nag-eenjoy akong panuorin ehh..

Well, gustong-gusto ko na 'tong mawala. feeling ko ang dumi sa mukha. hmmp, dati wala man ako nito kahit na palagi akong late natutulog. mas malala pa nga ako dati kung anong oras na matulog. siguro dahil dala narin siguro ng stress sa school kaya lumalala ang pimpes ko..

TONIGHT

Actually, nagsimula ang lahat ng ito kanina sa jeep.


Papunta na ako sa school para sa pasok namin kay madam vids  na group org at 7:30 yun kaya dapat maaga ako kaya napilitan akong gumising ng maaga. Naligo ako at in fairness nakapag-beakfast ako ngayon. Anyway, wala yun sa kwento.. intro man daw nganya para medyo mahaba ang maisulat ko.


Back to the topic. Yun na nga, nakasakay na ako sa jeep para pumuntang school ng banda sa may Albay cathedral huminto ang jeep at syempre, hintay-hintay man daw ng pasahero ng biglang ang tugtog sa jeep ay ang nakaka-miss na kanta ng WESTLIFE na TONIGHT at dun yun nagsimula. So yun..ito ako at naa-addict na naman sa kanta na yan..(anyway, mahilig ako sa love song at mellow music). Pero feeling ko nagsimula pa ito kagabi nung marinig ko ang magandang boses ng lead actor sa isang movie (title: love in disguise) at singer nga siyang talaga. WOW! watta voice. nakakainlove ang boses huh plus gwapo din naman yung lead kaya dagdag pa sa kilig factor.

PERO ang gusto ko lang naman talagang sabihin is, GUSTO KO YUNG KANTANG TONIGHT BY WESTLIFE!! ang dami pang sinabi ehh.. basta un na un..

Ito yung picture ng album nila ohh.. ang ganda diba..

Nga pala, dito ko unang na-appreciate ng sobra ang boses ni Bryan McFadden..ang ganda pala..