Papunta na ako sa school para sa pasok namin kay madam vids na group org at 7:30 yun kaya dapat maaga ako kaya napilitan akong gumising ng maaga. Naligo ako at in fairness nakapag-beakfast ako ngayon. Anyway, wala yun sa kwento.. intro man daw nganya para medyo mahaba ang maisulat ko.
Back to the topic. Yun na nga, nakasakay na ako sa jeep para pumuntang school ng banda sa may Albay cathedral huminto ang jeep at syempre, hintay-hintay man daw ng pasahero ng biglang ang tugtog sa jeep ay ang nakaka-miss na kanta ng WESTLIFE na TONIGHT at dun yun nagsimula. So yun..ito ako at naa-addict na naman sa kanta na yan..(anyway, mahilig ako sa love song at mellow music). Pero feeling ko nagsimula pa ito kagabi nung marinig ko ang magandang boses ng lead actor sa isang movie (title: love in disguise) at singer nga siyang talaga. WOW! watta voice. nakakainlove ang boses huh plus gwapo din naman yung lead kaya dagdag pa sa kilig factor.
PERO ang gusto ko lang naman talagang sabihin is, GUSTO KO YUNG KANTANG TONIGHT BY WESTLIFE!! ang dami pang sinabi ehh.. basta un na un..
Ito yung picture ng album nila ohh.. ang ganda diba..
Nga pala, dito ko unang na-appreciate ng sobra ang boses ni Bryan McFadden..ang ganda pala..
si bryan talaga ang crush ko sakanila. wahahaha
ReplyDelete