Nag-eenjoy kasi ako sa pag-ssurf na naman ng net kaya ayun, 4:00 in the morning na pala and i needed to wake up at 5:00am kasi nga mapunta din kami ng Gubat, Sorsogogon. The sad thing is, si Roxy at Ako ay hindi makakasama papuntang Pantaw o Pantao (kahit san man sa dalawa) at papunta kila mamee. kami pa naman yung di pa dun nakakapunta at tsaka birthday ni mamee at the same time Chinese New Year at maliligo nga daw sa Pantao kasi magaganda nga beach dun.
So ayun, kahit gusto ko mang sumama, wala akong magagawa 'cause i can't afford to sacrifice our own data gathering for my self convenience. Nanghihinayang. Nalulungkot. Kasi ang dami-dami nila papunta dun at kami dadalawa lang pero sasamahan man kami ni triina sa data gathering.
Natulog na ako at sinet ang alarm ng 5:00 am. O.M. Gosh. Feeling ko kakapikit ko lang ng biglang nag-alarm na agad?? 5 na agad? Ang sakit sa ulo teh! pero kailangan kong bumangon at medyo malayo-layo ang pupuntahan namin. feeling ko bangag at ngarag ako at the same time. ayan. ligo na, little breakfast man kunyari at toothrush. Ayan, on the go na ako. Syeteeeee! makakalimutan ko pa ata ang questionnaire na gagamitin. Ang bobo lang eh. sana magsasayang lang kami ng effort, pamasahe, time, at lahat-lahat. Bytheway, yung ate ko palang pagkagaling-galing ay matutulog pa man lang din ng magasing ako. Imagine? magsister nga kami.
"San kana mean?", ayan nagtext na si Roxy, on the way na ako papuntang cathedral kung saan kami magkikita. Ayan na sya. Sakay ng jeep papuntang daraga terminal. hintay ng pasahero. at exactly 7, at last napuno din ang van. YEY! Off to Gubat, Sorsogon with mean sabi nga ng GM ni roxy. habang nasa byahe, ang badtrip na aircon, tumutulo at medyo nililipad ng hangin ang tubig papunta sa amin. Pungal. Umuulan sa loob ng van?? gusto kong matulog eh tapos pasarihon ang aircon. well sa kagustuhan namin ni roxy matulog, eh nakatulog na din kami at sa sobrang kakatulog namin, di namin namalayan na sorsogon na pala. kung hindi pa namin narinig yung katabi namin na nag-para di din namin mamamalayan. narinig pa namin si kuyang dispatcher sa labas na. O, gubat, gubat, kayo ma'am gubat?? funny talaga.
anyways, ayan na si triina.. yey. magkakasama kami papuntang gubat. jeep lang kami sasakay at 10 pesos only. pagbaba sa gubat, tricycle papuntang B.U. Gubat. ang lapit lang eh. si manong driver man, di agad nagsabi. Hi Sarge! ang bait ng guard ah. well, well, well, mas mabait ang campus director nila. ang galing ng pakikitungo nya sa amin at ang kalog pa. Uyy, mga students, galing sila ng main campus, andito sila sa atin para mag-data gathering, oh bahala na kayo mag-entertain sa kanila. Sabi ng director. Ohha! Tapos ayan pa si kuya Pao, ung kakilala ni terelle para tumulong samin, BTW, thanks terelle. Si kuya pao oh, kakilala ng lahat. friend ng lahat. kay naman pala eh.. president ng BAPS department. pero infairness, mabait talaga sya. ang bilis lang matapos ng data gathering namin, by 12 noon tapos na kami. LUNCH break. gutom na ako at kami pala. Si kuya pao ayaw sumbay samin mag-lunch. ililibre naman namin sya eh. well wag nang pilitin ang ayaw. Wait! may nangyari pala bago kami mag-lunch braek. papunta kami kay director para magpaalam. OTW, mainit so kinuha ni triina ang payong nya sa bag at pagbukas nya may nahulog na isang pack ng napkin. ANYARE?? ang daming nakakita. well, kuha agad, alis at takip ng payong sa mukha. tawanan kaming lahat. look to the right. may beach! naalala na naman namin sila. gusto na namin ni triina maligo sa dagat. well, di pwede at wala tayong mga damit na dala.
Ayan, gusto namin mag-ukay. magaganda daw ksi ang ukay dun. Ngeekk, di man. o di lang talaga namin napuntahan ang magagandang ukay dun. aneweis, pabalik na kami ng sorsogon. puno ang jeep, kalong ako kay triina. si roxy di nagbayad sa jeep. :) punta ng robertson, bili ng sapatos. punta ng pier, di man nakita ang gustong makita pero pagpabalik. nakita man ulit..Uuuyyyy!!. ayan, bye triina. simba kana. punta na ng van. hay salamat. natapos din.. ang saya nun hah. kahit tatlo lang kami. credits to: BU Gubat Campus.
P.S. may mga pangyayari at sitwasyon na di ko sinama. Censored kasi. ahahah. wag nang magtatanong.