Bigla lang akong nagka-urge na magsulat dito sa blog pagkatapos ng usapan namin kanina ng friends ko. Feeling ko nakapag-ventilate ako sa kanila ng magkwento ako ng past experience ko pero feeling ko mas matutunawan talaga ako pag nakapagsulat ako kaya ito na naman ako sa takbuhan ko pag gusto kong magsulat.
BYTHEWAY. Na realize ko na dapat pala hindi sinasayang ang efforts ng iba kasi you'll never know what will happen. May mga bagay talaga na nasa harap mo na, hindi mo pa nakikita at isa yun sa mga bagay na pinalagpas ko, isa yun sa mga bagay na hindi ko binigyan ng pansin, at isa yun sa mga bagay na di ko pinahalagahan. Pagnarerealize mo pala ang isang bagay na nagawa mo, dun mo lang pala talaga masasabi na, AYYY, NAGAWA KO TALAGA YUN? AKO BA TALAGA YUN?? Ang hirap isipin na sa pagkatagal-tagal na panahon, pinipilit ko palang i-repress ang mga memories na meron ako at ngayon feeling ko aatakihin ako sa pag-iisip at kakaisip..
Sabi ko nga kanina, pagnagustuhan mo, iTRY mo. try lang naman, at least wala kang pagsisisihan. Natry ko na din yan once. I tried what I like at hindi ako nagsisi. Naging masaya ako at sinunod ko ang gusto ko. Ang problema bigla ko nalang narealize na ayaw ko na ng gusto ko at bigla nalang akong nagsasawa. Akalain mo yun, bigla ko nalang yun mararamdaman. At dahil sa biglaan kong naramdaman na-terminate ko ang gusto ko sa maling paraan, sa paraan na ako lang ang makakaintindi at sa paraan na masasaktan yun ginusto ko. So that time, parang nagging self-centered ako at naging selfish. Naging unfair din ako kung yun talaga ang totoo.
WHATDA?!
hayyy.. salamat nalang at may mga friends ako.. :))))
No comments:
Post a Comment