I just needed someone to talk to. Ang dami-dami ng nangyayari.
First ikaw S. Di ko alam kung tama na hinahayaan ko na maging parte ka ulit ng buhay ko. Akala ko kasi nung una, okay na ako pero ngayon bakit parang bumabalik ang sakit. Wala na akong katiwa-tiwala sayo pero gusto ko pa ding tulungan ka. Alam ko kasi na ang kailangan mo ay isang taong hinding-hindi magsasawa na intindihin ka at tulungan ka. Pero minsan naiisip ko din na wag nalang kaya, minsan naiisip ko din na gingamit mo lang naman ako pero okay lang yun sakin. Kahit sinasabi mo na hindi, alam kong ginagamit mo lang ako either intentionally or not. Sa ngayon okay lang sa akin kasi kaya ko namang tumulong pero paano na pag dumating na naman yung time na masanay na naman ako sa presence mo? Paano na ako? Di naman pwede na ibalik natin yung dati kasi yun nga ang sumira sa akin eh, remember?! Ako na naman ang magiging kawawa kasi titiisin ko na naman lahat ng sakit. Pero mas di ko kayang makita na ganyan ka at alam ko lang naman na kayang kitang tulungan kaya hanggat kaya ko, tutulungan kita pero tandaan mo dadating at dadating yung araw na kahit kaya kitang tulungan hindi ko na gagawin kasi hindi na tama. Sana maisip mo yun. Sa ngayon may tumutulong pa sayo pero kung mapapansin mo, paunti na ng paunti ang mga taong yun. I can't stop caring for you but don't push me on doing something that I don't want just to help you again and again and again. Kasi minsan may mga nagagawa ako na di tama para lang matulungan ka. Di mo yun alam kasi ayoko na isipin mo na sinusumbat ko lahat ng gingawa ko para sayo dahil choice ko din naman yun. Sana lang maisip mo lahat ng ginagawa ko para sayo; sana bigyan mo ng importansya.
Second, you Y. I did not really expect na magagawa mo yun sa akin. Pumayag ako na sumama sayo kasi may tiwala ako sayo. Alam ko kasi na di mo yun magagawa sa akin but it turns out that I perfectly wronged you. You had taken advantage of the situation last night. I was really shocked of what you did and to make you stop, I had to cry even if I don't want to. I did not say anything because I don't want to say something I will regret. However, I am really frustrated right now since I'm a bit shock and traumatize of what happened. It sink in to me late 'cause I though I can handle the situation. Nakakalungkot lang isipin na unti-unti akong naniniwala sa sinasabi nila na lahat ng lalaki, pare-pareho lang, isa lang ang habol sa babae. Sana ngayon lang 'to kasi unfair naman sa ibang lalaki.
No comments:
Post a Comment