Ever since talaga, kahit 'nung mga sinaunang kwento hindi talaga nawawala sa story ang KONTRABIDA. Mapa-love story man yan, comedy, thriller, horror o kahit walang kwentang story, di nabubuo ang isang kwento ng walang kontrabida. Kasi nga sabi nila, yun daw ang nagpapadagdag ng twist at nagiging interesting ang story pag may ganun.
And in the real life, syempre mawawala ba ang napaka-importanteng character.
MY GOD! Tapos na ang Holy Week, bakit nagpe-penetensya pa ako? Late na yun ah. Don't make my life a living hell dahil lang sa hindi mo maiayos ang buhay ng sarili mong pamilya. Ni wala ka ngang pakialam sa mga anak mo kung may natutulugan sila, may nakakain pa ba o kung buhay pa. Tapos ngayon bigla kang magpo-portray as if you are a very good mother whose always there for her sons and the only thing that matter is the sake of her children. Oh come'on. Sinong niloko mo? Pasalamat ka nga eh may nagmamalasakit pa sa mga anak mo. May nagbibigay ng mga bagay na dapat ikaw ang magbigay kaso hindi mo naibibigay. Tapos ngayon ikaw pa ang malakas ang loob na sindakin ang mga taong tumutulong sa mga anak mo? Kung iisipin mo ng mabuti, wala kang naibibigay kaya humihingi ng tulong sa ibang tao ang mga anak mo. Mag-isip ka naman. Pagkatapos mo silang pabayaan, ikaw pa ang malakas ang loob?!
Oo, ina ka nila, magulang ka nila. Pero hindi natatapos dun ang pagiging nanay mo. May responsibilidad ka sa kanila. Kung iisipin hindi nga responsibilidad kasi dapat kusa yung binigigay kasi anak mo, hindi lang kung sinong tao.
And if you think you can tame me? Go suit your self but you are not the person that will scare me; SURE AS HELL.
No comments:
Post a Comment